-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mahahabla ang barangay tanod na bumaril at pumatay sa isang curfew violator sa Manila.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, nakatakdang maghain ng murder charges ang Philippine National Police (PNP) laban kay Cesar Panlaqui ng Barangay 156 sa Tondo, Manila.

Iginiit ni Malaya na magsibling aral ito sa mga kapwa nila public servants, sa mga barangay tanod, na sumunod sa batas sa pagpapatupad ng health protocols sa gitna ng pandemya.

Sabado ng gabi nang barilin-patay ni Panlaqui ang isang curfew violator na umano’y wala sa tamang pag-iisip.

Ayon kay Palanqui, binaril niya ang biktima abilang self-defense dahil lumalapit ito sa kanya bitbit ang isang stick.

Kasunod nito ay nanawagan si DILG Sec. Eduardo Año sa mga alkalde na atasan ang lahat ng mga barangay tanod sa kanilang hurisdiksyon na huwag magdala ng baril habang naka-duty, at sinuman ang lalabag dito ay mahaharap sa karampatang kaso.