Nilinaw ng Commission on Elections na hindi kasama sa kanilang Operation Baklas ang mga murals na nagpapakita nang suporta para sa mga kandidato sa halalan sa darating na Mayo.
Ginawa ito ni Comelec spokesperon Dir. James Jimenez matapos na punain sa social media ang ginawang paglapat ng puting pintura sa mural na ginawa ng mga supporters ni presidential candidate at incumbent Vice President Leni Robredo sa Isabela.
Ayon kay Jimenez, “technically” hindi kasama sa Comelec Resolution 107730 ang mga murals, pero nakakuha aniya sila ng pahintulot para patungan ito ng puting pintura.
Lumalabas kasi na parang campaign poster din ang paggamit ng mural pero magkaiba lamang ang medium.
Sa isang video na pinost ng Isabela Para Kay Leni-Kiko sa Facebook, isang babae na nagpakilala bilang may-ari ng private property kung saan ang mural ang kumuwestiyon sa pagtanggal dito ng Comelec nang wala ang kanyang pahintulot.