-- Advertisements --
Tiniyak ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon papanagutin nito ang mga nasa likod ng pagsira ilang kagamitan ng Cupang Senior High School.
Ang nasabing paaralan aniya ay ginawang evacuation center ng nagdaang bagyo.
Nadiskubre na lamang ang insidente ng nakaalis na ang mga ito ay doon nadiskubre na nasira ang mga blackboard at ilang upuan ng dalawang silid aralan.
Natuntun na rin ng LGU Muntinlupa ang mga out of school youth na nasa likod ng pagsira ng nasabing mga gamit.
Papatawan aniya nila ito ng community service bilang parusa sa ginawa nila.
Inako na ng barangay sa lugar ang pagpapasaayos ng mga nasirang silid aralan.