CENTRAL MINDANAO – Dead on the spot sa pananambang ang isang lokal na opisyal sa Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Mangatog Bert Guiamadel, 55-anyos, may asawa at incumbent municipal councilor ng Shariff Saydona Mustapha sa nasabing probinsya.

-- Advertisement --

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director P/Colonel Ronald Briones, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima galing sa pamilihang bayan ng Mamasapano at pauwi na sana sa kanyang tahanan.

Ngunit pagsapit sa Barangay Tukanalipao sa Mamasapano, tinambangan ito ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang kalibre.45 na pistola at M16 armalite rifles.

Nagtamo ito ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na dahilan ng agarang pagkamatay.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa Mamasapano matapos ang krimen.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaslang sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.