-- Advertisements --
PBBM WORLD ECONOMIC FORUM 2

Nangako ang multinational investment firm na Morgan Stanley na susuportahan nito sa pamamagitan ng investment ang agresibong development agenda ng Marcos administration.

Ito’y matapos makausap ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Chairman for Asia Pacific ng Morgan Stanley na si si Gokul Laroia sa sidelines ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Katunayan, ayon kay Laroia, magtatayo ang kanilang top global investment bank ng tanggapan sa Maynila bilang suporta sa development initiatives ng pamahalaang Marcos.

Binanggit ng opisyal ng kompanya na ‘on the right track’ ang gobyerno ni PBBM sa hanay ng pribadong sektor lalo na sa usapin ng imprastraktura.

Ayon kay Laroia, interesante rin ang itinutulak na sovereign wealth fund ng administrasyong Marcos dahil masasabing pangmatagalan ang magiging suporta nito sa infrastructure development ng Pilipinas.