Tila hindi lubos na makapaniwala ang Amerikan aktres na si Cara Delevingne sa malagim na sinapit ng kaniyang bahay sa Los Angeles sa California.
Sa isang statement ay ipinahayag na naturang holywood actress ang kaniyang paghihinagpis matapos na matupok ng apoy ang kaniyang multimillion-dollar house sa LA.
Ayon sa tagapagsalita ng Los Angeles Fire Department, halos 100 na mga bumbero ang agad na rumusponde sa nasabing sunog na umabot naman ng 2 oras at 16 minuto ang itinagal ng ng kanilang pag-apula sa sunog bago tuluyang maideklarang fire out.
Gayunpaman ay iniulat din ng mga otoridad na wala namang nagtamo ng malubhang pinsala nang dahil sa naturang sunog matapos makalabas at makalayo sa naturang bahay ang lahat ng mga nakatura rito.
Lubos namang nagpasalamat si Delevingne sa lahat ng mga bumbero at maging sa mga taong tumulong upang maapula ang apoy.
Kung matatandaan, taong 2019 nabili ng nasabing aktres ang 8,000 square foot (750 square meter) na may apat na bedroom ang naturang bahay na nagkakahalaga ng $7 million dollar.