-- Advertisements --

Binago ng Manila-based multilateral lender Asian Development Bank (ADB) ngayong araw ang kanilang economic growth projections para sa Pilipinas ngayong 2021 at 2022.

Sa kanilang December update sa kanilang flagship economic publication, sinabi ng ADB na ang projection na nila sa ngayon sa Pilipinas ay lalago ng 5.1 percent ngayong 2021 at 6 percent naman sa 2022.

Ito ay upgrade sa 4.5 percent at 5.5 percent growth forecast nila para sa 2021 hanggang 2022, na nauna na nilang sinabi.

Ayon sa ADB, nakikita nilang mananatili ang steady growth path ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2021 hanggang 2022, dahil na rin sa acceleration ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan at sa pagbaba ng COVID-19 cases.

Sinabi ng ADB na impressive ang resilience na mayroon ang ekonomiya ng Pilipinas.

Magugunita na sa third quarter ng 2021 ay lumago ng 7.1 percent ang gross domestic product ng Pilipinas.