Nakatakdang pagpasyahan ng Department of Transportation sa Disyembre kung iaatras na ang multi-bilyong loan reapplication ng Pilipinas sa China para sa railway project ng bansa kung mananatiling kung pa rin uusad ang paguusap ukol dito.
Ayon kay DOTr Undersecretary Cesar Chavez na hindi pa kinukumpirma ng China kung matutuloy ang P142 billion loan agreement para sa Philippine National Railways (PNR) South Long-Haul Project.
Inihayag ni USec Chavez sa pagdinig sa house committee appropriations na inabisuhan ng kalihim ng DOTr na makipagkita sa China Eximbank upang tanungin ang mga ito kung nais nilang magpautang sa PH ng P142 billion kundi walang civil works contract.
Bilang resulta, sa katapusan aniya ng Disyembre, hihiling ng patnubay ang dotr sa NEDA upang humingi ng patnubay kung hihiling pa rin ng pondo mula sa China Eximbank o wawakasan na ang project management consultancy, at iatras na ang
muling aplikasyon para sa China Eximbank.
Kung sakali ayon kay Chavez, maaari pa ring ipagpatuloy ng pamahalaan ang PNR South Long-Haul Project sa pamamagitan ng paghiram nf pondo mula sa ibang mga bansa o financial institutions o pagpapatayo ng railway sa ilalim ng public-private partnership.
Noong nakaraang taon, inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang transport group na makipag-negosasyon muli sa China para sa mga loan agreements ng railway project funds matapos kanselahin ang loan application noong Duterte administration.