Inirekominda ni House Committee on Ways and Means committee chairman Joey Sarte Salceda sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na bigyan ng “administrative relief” ang mga taxpayers sa gitna ng public health crisis dulot ng COVID-19.
Sa kanyang aide memoire, sinabi ni Salceda na dapat ikonsidera ng BIR na palawigin ang deadline sa paghahain ng tax returns na nakatakda sana sa Abril 15.
Bukod dito, mainam din aniya kung hindi na patawan ng multa ang mga hindi makapaghain ng kanilang tax returns bago ang itinakdang deadline.
Maari aniyang gawin ng Commissioner of Internal Revenue ang mga hakbang na ito sa aniya’y “meritous cases.”
“We can extend the deadline, or we can temporarily waive the consequences of the deadline, which are penalties and surcharges. It makes sense to do either,” ani Aalceda.
Para naman maiwasan ang face-to-face interactions, sinabi ni Salceda na mainam na paigtingin ang electronic filing at payment system ng BIR.
Ginagawa na aniya ito sa ngayon ng Large Taxpayer Service, na binubuo ng nasa 30,000 hanggang 40,000 na kommpanya, o 68 percent ng revenues na nalilikom ng BIR.
Ang kailanga aniyang gawin sa ngayon ay tiyakin na madali ang user experience dito upang magamit din ito ng mga indibidwal at maliliit na taxpayers.