-- Advertisements --

Labis na ikinalungkot ng mamamayan ng Hong Kong ang utos ng kanilang gobyerno na muling isara ang isa sa mga tanyag na tourist attraction sa rehiyon.

Ito’y matapos makapagtala ang health authorities ng lungsod ng panibagong 52 kaso ng deadly virus.

Unang isinara ang Hong Kong Disneyland noong Enero dahil sa mabilis na pagkalat ng pandemic sa buong Asya kung saan napagdesisyunan ng parke na muling magbukas sa publiko noong Hunyo 18.

Ikalawa ang Disneyland sa Hong Kong na nagbukas kasunod ang Disneyland sa Shanghai noong buwan ng Mayo. Kapwa nilimitahan ng dalawang nasabing theme park ang bilang ng mga bisita na kanilang pinapayagang pumasok at sinusunod pa rin ang umiiral na safety measures.

Pansamantala namang sinuspinde ang mga social gatherings, dine-in sa mga restaurants, at pati na rin ang operasyon ng mga gym.

Sa ngayon ay nasa 1,570 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Hong Kong habang 8 pa lamang ang namamatay.