-- Advertisements --

Muling pagbabalik ng Ginoong Pilipinas, nakatakdang isagawa sa Cebu ngayong Mayo; Cebu, perfect venue pa para sa nasabing pageant

Nakatakdang gaganapin sa Cebu ang muling pagbabalik ng Ginoong Pilipinas pageant ngayong darating na Mayo pagkatapos ng tatlong taong pahinga dahil sa pandemya.

Naniniwala pa si Ginoong Pilipinas chief executive Manuel Genabe III na “perfect choice” bilang host venue ang Cebu dahil reachable ito sa lahat ng mga lalawigan sa bansa.

Ginamit nila ang temang “Sustainable Tourism in the New Normal” dahil sa ilang kadahilanan.

Kabilang na dito ang kanilang pag-asa na mag-ambag ito sa pagpapanumbalik ng kumpiyansa sa paglalakbay, masuportahan ang negosyong nauugnay sa turismo na nagsusumikap na mabuhay sa bagong normal, pagsulong ng lokal na turismo at para ipakita na ang bagong normal ay hindi dapat maging hadlang para tayo ay magpatuloy.

Samantala, layunin ngayon ng Ginoong Pilipinas organization na magkaroon ng tig-10 kandidato mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

May dalawang titulo naman ang at-stake sa finals at ito ay ang Ginoong Pilipinas Universe Tourism at Ginoong Pilipinas Man of the Year.

Magkakaroon din ito ng halos kaparehong format tulad ng mga nakaraang taon, na may mga segment ng kompetisyon para sa national/regional costume, swimwear, at barong.

Ngunit sa pagkakataong ito, magkakaroon ng mas maraming pocket event, aktibidad, at pakikipag-ugnayan sa mga lokal.