-- Advertisements --
omicron2

Muling bumalik sa may 1,000 na daily tally ang Pilipinas sa mga bagong Covid-19 cases.

Ito ay matapos na ang Department of Health (DOH) latest data ay nagpapakita na umaabot sa 1,121 ang panibagong nahawa na pasyente na kinapitan ng Covid-19 virus sa buong bansa.

Ang active cases ngayon na mga pasyente ay nasa 21,325.

Ang mga rehiyon naman na may pinakamaraming mga kaso ng covid-19 sa nakalipas na huling dalawang linggo ay ang Metro Manila na may 6,751, Calabarzon 3,798, Central Luzon 2,234, Western Visayas na may 1,638, at Davao region 1,344.

Samantala, nauna nang ipinaalala sa mga kababayan na hindi pa tapos ang pandemic.

Sa ngayon mas dapat daw mag-ingat dahil napapansin ang unti-unti pagtaas na bilang lalo na at merong bagong mga covid variants na naman.

Dapat ding pag-ibayuhin ang pag-iingat sa mga darating na panahon dahil sa pagluluwag na at inaasahang maramihang mga pagtitipon bunsod ng mga paparating na holidays sa bansa.