-- Advertisements --
Hindi pinayagan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na ipalabas sa Pilipinas ang pelikulang “Chasing Tuna in the Ocean”.
Ang nasabing pelikula kasi ay nagpapakita ng kontrobersiyal na nine-dash line na ipinagpipilitan ng bansang China sa West Philippine Sea.
Ayon sa MTRCB na pinatawan nila ng “X” rating ang nasabing pelikula o may kategoryang “Not for Public Exhibition” sa Pilipinas.
Ang nasabing nine-dash line kasi ay ikinokonsiderang pag-atake sa Pilipinas na isang paglabag sa Section 3 ng Presidential Decree 1986.