-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagpakita ng kanilang suporta ang ilang mountaineering group sa lungsod sa naging hakbang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi muna bubuksan sa mga trekker ang Mt. Apo.

Inilabas ang nasabing kautusan para makapagpahinga ang bundok at ma-rehabilitate ito laban sa pang-aabuso na ginagawa ng ilang trekkers.

Tatagal ng tatlong buwan mula Hunyo hanggang Agosto ngayong taon ang pansamantalang pagpapasara muli sa naturang bulkan.

Kung maaalala, naging kontrobersyal ang Mt. Apo noong nakaraang buwan dahil sa pagtapon umano ng basura ng ilang mga trekker, gayundin ang ilang bakas na gumagamit ng iligal na droga at marami pa.

Taong 2016 nang masunog ang ilang bahagi ng Mt. Apo kaya isang taon itong isinailalim ito sa rehabilitasyon.