-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Naniniwala si Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr na hindi madidiskaril ang isinulong na amnesty program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa mga grupo ng mga rebeldeng Kristiyano at mga Muslim dahil lamang sa bombing incident na ikinasawi ng apat ka tao at sumugat ng 72 pang mga biktima sa Mohammad Dimaporo Gymnasium ng Mindanao Mindanao State University sa Marawi City,Lanao del Sur.

Kuro-kuro ito ng kalihim patungkol sa pangamba kung hindi ba magdulot ng masamang epekto ang terroristic attack ng grupong Dawlah Islamiyah-Maute sa hinangad ni Marcos lalo pa’t kasama sa pagkalooban ng amnestiya ang ilang armadong mga Moro na mayroon ding ipinaglaban.

Sinabi ni Teodoro na sa oras na ma-ratipikahan ng mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso ang isinulong ng Philippine commander-in-chief ay magtuloy-tuloy na ang malawakang pagpapatupad ng programa.

Magugunitang umani ng positibong reaksyon ang isinulong ni Marcos na amnestiya subalit malamig naman ang tugon nito ni Vice President Sara Duterte partikular sa Communist Party of the Philippines- New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines.