-- Advertisements --
image 676

Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa buong bansa na suportahan ang isinusulong nitong cashless transaction sa bansa.

Ito ay kasabay pa rin ng pagsusulong ng DTI ng E-commerce platform sa Pilipinas.

Ayon kayb Trade Sec. Alfredo Pascual, ang maganda ang potential ng cashless transaction sa Pilipinas, lalo na at maganda ang momentum ng digital economy sa buong bansa.

kailangan aniyang makasabay ang mga maliliit na negosyo sa bansa sa hinahangad ng pamahalaan na digitalization, kung saan malaking bahagi rin ang ginagampanan dito ng mga cashless transactions o cashless payments.

Ayon pa rin sa kalihim, may mga nakatakda itong isasagawang forum kung saan inaasahang tuturuan ang mga negosyante na kabilang sa mga MSME’s.

Sa mga naturang forum, tuturuan aniya sila sa pagpapatupad o pagtangkilik sa cashless payments, upang hindi sila mahirapan sa naturang sistema.