Hindi na umano kinuwestyon ni Atty. Melvin Calimag ang tuluyang pagbawi ni Orly Guteza sa kaniyang orihinal na salaysay.
Si Calimag ang nag-notaryo sa bagong salysay ni Guteza kasunod ng kaniyang recantation.
Ayon sa abogado, tinanong lamang niya si Guteza kung naintindihan niya ang kanyang inilahad sa salaysay na nakasulat (typewritten) sa Filipino – bagay na positibo namang sinagot ng kaniyang kliyente.
Tumagal lamang aniya ng 15 hanggang 20 minuto ang kanilang transaksiyon, kasama na ang pagpapaliwanag sa nilalaman at konteksto ng kaniyang affidavit.
Ayon pa sa abogado, pinili ng dating sundalo na sa ibang lugar gawin ang pagnonotaryo ng kanyang affidavit dahil na rin sa kaniyang seguridad, at hindi na rin umano niya ito kinuwestyon.
Kahapon (Aug. 19) ay tuluyang binawi ni Guteza ang kaniyang alegasyon na naghatid siya ng male-maletang pera kay dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang bahagi ng kaniyang kickback sa mga ipinatayong flood control project.
Unang lumutang si Guteza sa isang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committe bilang surprise witness ni Sen. Rodante Marcoleta at nagpakilalang dating bodyguard ni dating Rep.. Elizaldy “Zaldy” Co.
Gayunpaman, sa kaniyang pagbawi sa naunang alegasyon, idinawit na niya si Sen. Marcoleta na umano’y namilit lamang sa kaniya upang lumantad at ilahad ang naunang testimoniya.















