-- Advertisements --
Balik operasyon na ang parehong bound ng MRT-3 mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard Station.
Alas-9:45 nitong umaga nang ibalik ang partial operation ng tren matapos ang higit 2-oras na suspensyon nito dahil sa power interruption.
Ayon sa MRT-3 management, sisikapin nilang maibalik ang operasyon bago mag-alas-5:00 ng hapon mamaya.
Batay sa ulat, nawalan ng supply ng kuryente ang Shaw Boulevard station sa Mandaluyong hanggang Santolan station sa Quezon City.