-- Advertisements --

Magbibigay ng libreng sakay ang MRT-3 at LRT-2 para sa mga Pilipinong seaferers sa araw ng Linggo, Hunyo 25 kasabay ng pagdiriwang ng day of the Filipino seafarer.

Sa Light Rail Transit line 2 (LRT2), makakasakay ng libre ang mga sasakay na seaferers mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at sa hapon naman mula 5pm hanggang 7pm.

Habang sa Metro Rail Transit line 3 naman, magbibigay ng libreng sakay sa buong araw para sa mga Pilipinong seaferers simula alas 5:30 ng umaga.

Kailangan lamang magpresenta ng seaferers ng kanilang valid seaferer’s record book o ang kanilang seaferer’s identity document para makapag-avail ng libreng sakay.