-- Advertisements --

Nagpahayag ng interest si Metro Pacific Investments Corp chairman and CEO Manny Pangilinan sa Sangley Airport.

Sinabi nito na ang Sangley ay isang maituturing na magandang collateral project sa NAIA.

Dagdag pa nito na isang magandang pamalit sa NAIA ang nasabing paliparan.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na naghayag ng interest si Pangilinan ng interest sa paliparan dahil ito ay una ng binanggit noon pang 2019.

Magugunitang kinansela ng Cavite provincial government ang planong pag-upgrade sa nasabing paliparan.

Kung saan paliwanag ng Cavite LGU na ang kaya nila kinansela ang planong $10 bilyon airport deal dahil sa hindi buong nagpahayag ng interest ang consortium na nanalo sa deal.