-- Advertisements --
Tuloy ang tracing ng mga otoridad sa nasa likod ng pananambang kay Manila Prosecutor Jovencio Senados.
Maging ang back tracking sa naging huling byahe ng abogado mula sa Laguna ay tinitingnan na rin.
Ayon kay kay Manila Police District Dir. Rolando Miranda, natuklasan nilang hindi tunay na plate number ng itim na SUV ang nakalagay sa sasakyan ng mga namaril.
Sinisikap ring matukoy ng MPD ang pagkakakilanlan ng mga sakay ng isa pang behikulo na umipit sa service ni Senados.
Isa sa mga anggulong sinusundan ng pulisya ang malaking kaugnayan ng mga hinawakan nitong kaso sa mga nakalipas na panahon.










