-- Advertisements --
Fiscal prosecutor Manila ambush
Manila chief prosecutor ambush-slay case (photo by Bombo Dennis Jamito)

Ikinatuwa ng National Prosecution Service (NPS) ng Department of Justice (DoJ) ang pagbuo ng Special Investigation Task Group (SITG) ng Manila Police District (MPD) na siyang tututok sa nangyaring ambush sa Chief Inquest Prosecutor ng Maynila kahapon na si Manila Chief Inquest Prosecutor Jovencio Senados. 

Ayon kay NPS Chief Prosecutor General Benedicto Malcontento na bagamat inatasan na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) upang mag-imbestiga sa pananambang kay Piskal Senados ay mabuti na ring magtulong-tulong ang mga otoridad upang mas mapadali ang pagresolba ng pagkakapatay sa prosecutor. 

Nauna nang inatasan ni MPD District Director Rolly Miranda, si MPD Deputy Director for Operations Police Colonel Nick Salvador na pamunuan ang SITG Senados.

Matatandaang tinamabangan sa kahabaan ng Quirino highway sa Maynila si piskal Senados kahapon ng umaga.

 Pinagbabaril-patay ang biktima habang sakay ng kanyang sasakyan.