Pumanaw na si Prince Azim, ang anak ng Sultan ng Bruinei sa edad 38.

Hindi naman binanggit ng gobyerno ng Brunei ang sanhi ng kamatayan ni Prince Azim na siyang nasa pang-apat na pinakamataas na tao sa nasabing bansa.

Bilang pangalawang anak na lalaki ay kilala si Prince Azim sa pagsasagawa ng mga magarbong parties.

Ilang mga celebrities na rin ang kaniyang inimbitahan sa mga parties gaya nina Mariah Carey, Janet Jackson at Pamela Anderson.

Kilala rin siya bilang movie producer sa Hollywood at ilang mga pelikulang nagawa niya ay ang “You’re Not You” na pinagbibidahan ni Hillary Swank.

Nagpaabot naman ng kanilang mga pakikiramay ang ilang mga matataas na opisyal ng ibang bansa.