-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patay ang isang motorista sa opening salvo ng Fire Prevention Month matapos magulungan ng lead car ng Bureau of Fire protection sa ginawang motorcade.

Ayon kay Fire Marshall Regirald Legaste ng Bureau of Fire Protection Gensan na isang aksidente ang nangyari ng matumba sa minmaneho nitong motor ang biktima na si Nocolas Nicefero Jr 58 na residente ng Labangal nitong lungsod at duon tumilapon sa lead fire truck. .

Kaagad namang pinalabas ang video na kuha sa insidente at makikita na apat na motor ang nasa kanang bahagi ng firetruck na nagawa pang mag over take ang tatlong motor subalit hindi ang pang apat na natumba sa daan.

Posible umanong nag apply ng brake ang driver dahil may tubig sa lugar na nagresulta sa pagkatumba ng motorsiklo.

Kaagad namang nagpaabpt ng mensahe ang Regional Director ng BFP sa asawa ng biktima at pinaabot na magbigay ng tulong sa pamilya.

Ang motorcade ang parte ng Fire Prevention month na ginagawa bawat taon para magbigay ng impormayon para makaiwas sa sunog.