LEGAZPI CITY – Patay ang isang motorista matapos na aksidenteng bumangga sa puno ng mangga sa Brgy. Hacienda, San Miguel Island, Tabaco City.

Kinilala ang biktima na si Promencito Vidol Cornel, 50, residente ng naturang barangay.

Nabatid na lulan umano ng motorsiklo ang biktima nang aksidenteng makabangga sa puno ng mangga malapit sa gutter.

Sa lakas ng pagbangga, tumilapon sa sementadong kalsada ang biktima at tumama ang ulo sa isang putol na puno ng niyog na nagresulta sa agarang pagkamatay.

Patuloy pang iniimbestigahan sa ngayon ng mga otoridad ang insidente.