-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang tatlong indibidwal matapos ang salpukan ng motorsiklo at bus sa Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang mga binawian ng buhay na sina Ricky Dacillo, 35-anyos, residente ng P-2, Kanluran, San Vicente, Camarines Norte at dalawang backrider nito na lalaki.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas nila Dacillo sakay ng motorsiklo mula sa nasabing bayan patungo sa lungsod ng Naga ng mabangga ito ng nag-overtake na bus na minamaneho ni Raffy Malaran, 30-anyos, residente ng Zone 5, Palapas, Ligao City mula naman sa kabilang direksyon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad rin namang dinala sa ospital ngunit ideklara rin itong dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.