-- Advertisements --

Dinagdagan ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang mga motorcycle cops na maglilibot sa kamaynilaan.

Sinabi ni NCRPO Director P/BGen. Jonnel Estomo na ang mayroong 72 na dagdag na motorcycle units ang kanilang ipinakalat mula sa Regional Mobile Force Batallion.

Ang hakbang aniya ay para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan lalo na ngayong nalalapit ang panahon ng kapaskuhan.

Posibleng madagdagan pa aniya ang nasabing bilang ng mga motorcycle cops dahil sa may ilang ahensiya na ang nangako na magbigay ng motorsiklo.