Hindi sinang-ayunan ng Commission on Elections (Comelec) ang inihain na motion for reconsideration ng women’s partylist na Gabriela at dalawa pang grupo laban sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon sa Gabriela, wala raw legal authority ang naturang anti-communist party ng gobyerno para idemanda sila.
Sa pitong pahina na order na may petsanbg Enero 13, 2021, ibinasura ni Comelec Second Division Presiding Commissioner Socorro B. Inting ang mosyon ng Gabriela Women’s Party dahil wala raw itong bagong ebidensya at legal na basehan kaugnay ng kaso na inihain ng NTF-ELCAC noong May 2019.
Pinapakansela kasi ng NTF-ELCAC ang registration ng partylist system dahil sa paglabag umano sa election law at Saligang Batas.
Paliwanag ng korte na may legal standing ang NTF na maghain ng kaso sa panig ng pamahalaan. Binuo umano ang NTD upang magbigay ng whole-of-nation approach para labanan ang local communist terrorist groups at iba pang grupo na sumusuporta sa paggamit ng dahas para makuha ang kanilang kagustuhan.