-- Advertisements --

Ibinasura ng federal judge ang mosyon ni dating US President Donald Trump na humihiling na i-dismiss ang criminal case laban sa kaniya kaugnay sa iligal na pagkuha umano nito ng classified documents matapos umalis sa White House noong 2021.

Isa ito sa 4 na criminal cases na kinakaharap ni Trump sa pagtatangkang bumalik muli sa White House.

Ikinatwiran ng mga abogado ni Trump sa naging pagdinig na hindi malinaw ang criminal charges sa dating US President sa sa criminal charges may kinalaman sa Espionage Act.

Subalit sinabi ni U.S. District Judge Aileen Cannon sa Florida na itinalaga ni Trump sa naturang posisyon, na premature pa ang naturang mosyon at dapat na pagdesisyunan sa jury trial.

Sa huli, sinabi ni Cannon na kaniyang agad na pagdedesisyonan ang naturang mosyon.

Nakatakda namang pagpasyahan ng federal judge ang isa pang mosyon ni Trump na naggigiit na ang dating pangulo ay protektado umano mula sa record-keeping rules.

Nitong Huwebes, dumalo ng personal si Trump sa naturang pagdinig na una ng umapela ng not guilty si Trump sa 40 bilang ng criminal charges sa naturang usapin.

Sa hiwalay naman na kaso nitong Huwebes, humiling si Manhattan District Attorney Alvin Bragg ng 30 araw na pagpapaliban sa trial ni Trump sa New York state sa ikaapat na kaso nito sa business fraud kaugnay sa husg money na ibinayad sa isang porn star na nakatakda sanang simulan sa Marso 25.