-- Advertisements --

bohol2

Arestado ng mga tauhan ng PNP-Anti kidnapping Group AKG ang Most wanted Person sa Bohol na pitong beses umanong gumahasa sa kanyang sariling anak sa Brgy Lutao, Inabanga, Bohol kahapon ng umaga.


Sa ulat ni PNP-AKG Director PBgen Jonnel Estomo kay PNP Chief PGen. Debold Sinas, kinilala ang suspek na si Ruben Nestor Millanes Genita.


Inaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Leo Moises Lisom, Presiding Judge ng RTC Branch 3, 6th Judicial Region, Tagbilaran City, Bohol, para sa kasong Incestous Rape (7 counts) at Sexual Assault in Relation to RA 7610.


Base sa reklamo, ginahasa umano ng suspek ang kanyang sariling anak sa iba’t ibang pagkakataon mula 2015 hanggang 2019.

bohol3


Ang matagumpay na pagkaaresto sa suspek ay resulta ng intelligence operation ng AKG-Visayas Field Unit sa pamumuno ni PCol. Salvador TAlcayang, kung saan natunton ang lokasyon ng suspek matapos pagtaguan ng mahabang panahon ang mga operatiba ng Bohol Provincial Police Office.