-- Advertisements --

Nagbabala si US Surgeon General Jerome Adams na mas lalo pang tumataas ang bilang ng hospital admission sa Estados Unidos.

Ito’y matapos pumalo ng mahigit 83,000 ang naitalang bagong kaso ng deadly virus ngayong araw sa naturang bansa.

Humaharap kasi ngayon ang Amerika sa ikalawang wave ng infection habang papalapit ang 2020 US presidential elections.

Sa kabila nito ay nakakakita naman ang mga eksperto ng tila magandang development dahil sa bumababang mortality rate o yung bilang ng mga namamatay dahil sa coronavirus.

Una nang inanunsyo ng mga pharmaceutical giants na AstraZeneca at Johnson & Johnson na kanilang nang ipagpapatuloy ang vaccine trials ng posibleng bakuna kontra sa nakamamatay na sakit.

Nagbabala na rin ang World Health Organization sa mga bansa na nasa Northern Hemisphere na nasa kritikal pa rin silang kalagayan.