-- Advertisements --

Nakatakdang buksan na ng Morocco ang kaniyang mga air at maritime border sa susunod na linggo.

Simula sa Hulyo 14 ay tangging mga Moroccan citizens at expatriates na naninirahan sa Morocco ang papayagang makabiyahe sa unang bugso ng border reopening.

Maaaring magkaroon ng maraming flights ang mga airline companies para sa pagbabalik ng mga Moroccans na naninirahan sa ibang bansa ganun din sa mga dayuhan na naninirahan sa Morocco.

Kailangan lamang na ipakita ng mga pasahero ang resulta ng kanilang PCR virus test na isinagawa sa loob ng 48 oras bago ang flight.

Makakaalis din ang mga Moroccan citizens at foreign residents.

Magugunitang noong Marso 15 ng suspendihin ng Morocco ang lahat ng mga international passenger flights at passenger ships dahi sa pagdami ng kaso ng coronavirus.

Sa susunod na linggo rin ay bubuksan na rin nila ang mga mosque subalit may mga ipapatupad silang protocols gaya ng pagsusuot ng facemasks.

Nagtala na kasi ang bansa ng mahigit na 14,000 na kaso ng coronavirus.