Dumepensa ang gobyerno ng Morroco sa batikos na mabagal nilang pagtugon sa mga biktima ng 6.8 magnitude na lindol.
Sinabi ni government spokesperosn Mustapha Baytas, na gumagawa ang gobyerno ng kanilang makakaya para tulungan ang mga biktima ng lindol.
Aabot na sa mahigit 2,700 ang nasawi dahil sa malakas na paglindol.
Sinabi naman ni Prime Minister Aziz Akhannouch na bibigyan nila ng tulong pinansiyal ang mga biktima.
Bumuhos na ang tulong mula sa ibang mga bansa kung saan nagpadala ang Spain, Britain, United Arab Emirates at Qatar ng kanilang mga rescue specialits kasama ang sniffer dogs.
Bahagyang nahirapan kasi ang mga rescuers dahil sa mga malaking bato na gumuho sa mga kabahayan.
Inasahan ng gobyero na madadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa may ilang biktima na itinakbo sa pagamutan ang may malubhang kalagayan.