-- Advertisements --

Nakapagtala na naman ng panibagong record ang singer na si Moira dela Torre.

Umabot na kasi sa mahigit 7 milyon ang kaniyang followers sa music streaming service na Spotify.

Ang kaniyang kanta kasi na “Tagpuan” ay umabot na sa mahigit 99 milyon plays sa Spotify.

Noong Disyembre 2021 ay nagtala na rin ito ng billion streams sa Spotify.