-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinanindigan ng More Electric and Power Corporation na ito na ang nag-iisang electric power provider sa lungsod ng Iloilo.

Ito ang kasunod ng pagbawi ng Business Permits and Licensing Office sa business permit ng Panay Electric Company.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Hector Teodosio, legal counsel ng More Power, sinabi nito na malinaw para sa lahat na ang More Power na ang humahawak sa lahat ng distribution assets sa lungsod ng Iloilo.

Ayon kay Teodosio, hindi tinanggap ng Korte ang mosyon na isinumite ng dating electric power provider.

Dahil dito, inihayag ni Teodosio na aalamin ng husgado ang kabuuang halaga ng assets kung saan P480 Million na ang nadeposito ng More Power.

Ang mahalaga sa ngayon ayon kay Teodosio ay ang pagkilala ng Korte, Energy Regulatory Commission at ng Iloilo City Government sa bagong electric power provider.