Mas pinalawig ng hanggang sa susunod na dalawang taon ang moratorium sa taripa ng electronic commerce.
Ito ay matapos na magkasundo ang mga miyembro ng World Trade Organization sa kanilang isinagawang high level meeting sa Abu Dhabi.
Kasunod ng naturang pagpupulong ay naglabas ang naturang organisasyon ng isang dokumento na nagsasaad na napagkasunduan ng mga miyembro nito na panatilhin ang kasalukuyang practices nito na hindi pagpapataw ng custom duties sa electronic transmission hanggang sa 14th Session ng Ministerial Conference.
Kung maalala, sa naturang conference din ay una nang binigyang-diin ni DTI Sec. Alfredo Pascual ang kahalagahan ng pagsuporta sa growth ng digital economy at gayundin ang pagbuo ng isang environment na nagpapanatili sa certainty at predictability ng mga negosyo at consumers, kung saan din nakasalalay ang trabaho at hanapbuhay ng milyon-milyong mga indibidwal. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)