-- Advertisements --
Humingi ng paumanhin si PhilHealth president Ricardo Morales matapos niyang iwanan ang pagdinig ng Kamara noong Agosto 12.
Sa kanyang liham na may petsang Agosto 14 na binasa ni House Committee on Public Accounts chairman Michael Defensor, sinabi ni Morales na nahirapan siyang umupo ng matagal noong panahon na iyon kaya siya umalis sa pagdinig sa pamamagitan ng videoconferencing.
Galing kasi aniya siya sa chemotherapy session noong Agosto 7 kaya hirap din siyang kumilos noong mga panahon na iton.
Nauna nang napag-alaman na si Morales ay mayroon palang Diffuse Large B cell lymphoma at kasalukuyang sumasailalim sa chemotherapy.










