-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagdulot ng malawakang panic buying ang pananalasa ng Monster Cyclone Fani sa India.

Ayon sa ipinaabot na mensahe ni Bombo International Correspondent Sandeep Yama ng West Medinipur, mas naging malawak pa ang panic buying sa mga lugar na dadaanan ng malakas na bagyo.

Nakakaranas na raw ang mga lugar na ito ng black out at mas mabagal na internet connection.

Dagdag pa nito, ilan sa kanilang mga kaanak na nakatira sa bahagi ng Odisha coast, na isa sa mga pinakaapektado ng bagyo, ay hindi na rin nila makamusta dahil sa pahirapan ang komuniskasyon sa nasabing lugar.

Nasa 200 byahe ng tren na ang kanselado gayundin ang maraming flights matapos mag-shutdown ang ilang airports gaya ng paliparan sa Bhubaneswar at Kolkata na posibleng magtagal pa hanggang sabado ng gabi.

Napag-alaman na pinakaapektado ang West Bengal kung saan inilagay na rin sa high alert ang rescue at relief agencies sa Odisha para sa humanitarian assistance.