-- Advertisements --

Nananatili pa ring global health emergency ang Monkeypox.

Ayon sa World Health Organization (WHO) na patuloy ang ginagawang pagkalat ng nasabing virus sa iba’t-ibang bansa.

Unang idineklara ng WHO ang Public Health Emergency of International Concern noong Hulyo 23 na ito na ang pinakamataas na alarm level.

Magugunitang nagsimulang kumalat ang monkeypox sa West African countries noong nakaraang anim na buwan na ikinasawi ng 36 katao at mayroong 77,000 kaso sa 109 bansa.