-- Advertisements --
image 242

Magsasagawa na ang Metro Manila Development Auhtority(MMDA) ng monitoring sa EDSA Bus Carousel.

Ayon sa Department of Transportation, babantayan ng Bus Management and Dispatch System ng MMDA ang Busway upang matiyak ang kaligtasan ng mga commuters o mga mananakay.

Bahagi rin ng magiging monitoring ng MMDA sa busway ang seguridad ng mga bus na dumadaan dito, kasama na ang dami ng mga dumadaang bus.

Kasami rin ng pagbabantay ng MMDA ang komprehensibong monitoring sa paggamit ng mga driver ng mga QR codes upang mas mabilis ang scanning na gagawin ng mga dispatch officers sa na nakapwesto sa mga strategic location, katulad ng PITX at Monumento.

Samantala, maaari ding komunsulta ang mga bus drivers sa mga MMDA Personnel ukol sa kanilang mga traffic violations o kung may hindi pa nababayarang multa, bilang bahagi ng bagong monitoring program ng MMDA sa Bus EDSA Carousel.