-- Advertisements --

Binasag na ng singer na si Moira dela Torre ang kaniyang katahimikan sa usapin ng paghihiwalayan nila ng asawang si Jason Hernandez.

Sinabi nito na kailanman ay hindi siya nangaliwa sa asawa.

Mula sa tatlong taon na sila ay kasal ay ni isang beses ay hindi niya nagawang mangaliwa sa asawa.

Magugunitang noong nakaraang araw ay kinumpirma ng asawa nitong si Jason Hernandez na sila ay hiwalay dahil umano sa pangangaliwa niya.

Ikinasal ang dalawa noong Enero 2019.

Naging matunog ang usapin na nagkakalabuan na ang dalawa matapos noong Abril 2022 ng mapansin ng mga fans nila na tiannggal ni Moira ang maraming larawan ng asawa sa kaniyang social media.

Nanawagan na rin ang singer na igalang na lamang ang kanilang pinagdadaanan.