Labis ang pasasalamat ni Moira dela Torre matapos na pumalo na sa 2 million ang subscribers nito sa YouTube.

Nagsimula ang singer-songwriter na mag-upload ng kaniyang kanta sa video-sharing website noon pang Mayo 2010.

Isa ang kanta nitong “Paubaya” ang may pinakamaraming viewers na mayroong mahigit 41 milyon views.

Sa pinakabagong kanta nitong na-upload ay ang collaboration niya sa US singer na si Pink Sweat$ sa kantang “17”.