-- Advertisements --
jeepneys jeep MMDA rains traffic

BAGUIO CITY – Muling magtutungo sa City of Pines ang mga kasapi ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Engr. Juanario Borillo, pinuno ng Traffic and Transport Management Division ng Baguio City Engineering Office, inaasahang magbibigay ng traffic master plan ang MMDA.

Sinabi niya na tutulong ang MMDA sa pagresolba sa problema hinggil sa trapiko sa Baguio City.

Inaasahang muling magtutungo sa Baguio City ang mga kasapi ng MMDA sa ikalawa o ikatlong linggo ng Setyembre.

Umaasa si Borillo na sa pamamagitan ng MMDA ay malalaman ang mga tamang loading at unloading areas sa Baguio City.

Una nang nagtungo sa Baguio City ang mga kasapi ng MMDA at kanilang pinag-aralan ang mga posibleng solusyon sa masikip ng daloy ng trapiko sa City of Pines.