Hindi tumitigil ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa paglilinis sa mga alternatibong kalsada para maging maluwag ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.
Ayon kay MMDA Spokesperson Melissa Carunungan na kanilang pinaghuhuli ang mga iligal na nakaparada sa mga Mabuhay Lanes para madaan ang ilang motorista.
Inaasahan kasi ng MMDA na sa mga susunod na araw ay magiging masikip ang daloy ng trapiko lalo na sa EDSA dahil maraming mga magtutungo sa establishimento par a mamili.
Pinayuhan din ng MMDA ang mga mamamayan na maghanap ng alternatibong daanan para hindi na sila makadagdag sa bigat ng trapiko sa EDSA.
Pagtitiyak din nila na hindi sila nagpapabaya sa pagbabantay ng trapiko dahil mayroong nakabantay ng mga enforcers katuwang ang ilang ahensya ng gobyerno.