-- Advertisements --
Patuloy ang panghihikayat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tangkilin ang ‘libreng sakay’ din ng Pasig River Ferry System.
Ang nasabing libreng sakay ay magtatapos pa ng hanggang Disyembre 31, 2023.
Ayon kay MMDA Deputy Chairperson Frisco San Juan na nagsimula ang proyekto bilang tulong sa mga frontliners noong kasagsagan ng pandemya.
Kanilang isinusulong ang pagsakay sa Pasig River Ferry System para mabawasan ang bilang ng mga pasahero sa kalsada lalo na sa EDSA na nagreresulta sa pagbigat ng trapiko.
Sa 2024 pa magbabalik ang paniningil nila ng pamasahe kung saan pagtitiyak ng MMDA na mayroon pa rin silang diskuwentong ibinibigay.