Nananatiling nakaantabay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung sakaling magpatuloy ang ilang mga tranport group ng kanilang tigil pasada.
Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes, na sa unang araw ng tigil pasada ay ipinatupad nila ang kanselasyon ng number coding habang ang ikalawang araw ay ipinatupad nila ang number coding dahil sa nakita nilang walang epekto ang ginawang tigil pasada ng ilang transport group.
Kahit na wala umanong epekto ang ipinatupad na transport strike ay nirerespeto pa rin ng MMDA ang ginagawa na ito ng mga transport group basta hindi ito nakakaabala sa mga mananakay.
Mahigpit pa rin ang kanilang ugnayan sa mga local govenrment unit sa Metro Manila para sakaling ituloy muli ng mga transport group ang kanilang tigil pasada ay may nakaantabay na sasakayan na masasakyan ng mga mananakay.










