-- Advertisements --

Nakapagtala ang Metropolitan Manila Development Authority nang mas mababang bilang ng mga motoristang ilegal na gumagamit ng EDSA bus lane nitong buwan ng Marso 2024.

Batay sa Pinakahuling datos na inilabas ng ahensya, nitong buwan ng Marso ay nasa 16 na mga violators lamang ang kanilang naitala na hindi hamak na mas mabababa kumpara sa 227 na mga motoristang nahuli sa unang linggo ng buwan ng Enero.

Gayunpaman, ang kabuuang bilang ng mga motoristang naaresto nang dahil sa ilegal na paggamit ng EDSA bus lane mula buwan ng Enero hanggang Marso ay pumalo na sa 1,051.

Binubo ito ng 783 motorcycle riders, 205 car drivers, 29 vans, 21 taxis, at 13 iba pang uri ng sasakyan.

Sabi ng MMDA, ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga pasaway na motorista ay bunga ng kanilang istriktong pagpapatupad ng EDSA Bus Lane policy.

Kasabay nito ay binigyang-diin din ng kagawaran na ang displina at kooeprasyon ng lahat, pribadong man o publiko ay mahalaga Para maresolba ng problema sa trapiko sa Metro Manila.

Matatandaan na sa ilalim ng MMDA Regulation No. 23-002 ay na dagdagan pa ang piyansa para sa paglabag ng mga public at private vehicles kung saan:

First offense
– Php5,000
Second offense
– Php10,000
– plus one month suspension of driver’s license
– required to undergo a road safety seminar
Third offense
– Php20,000
– plus one year suspension of driver’s license
Fourth offense
– Php30,000
– plus recommendation for revocation of driver’s license to Land Transportation Office