Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagsimula na silang maghanda para sa posibleng pananalasa ng super typhoon “Mawar,”.
Ayon sa ahensya, kanilang tinitiyak sa publiko ang malapit na koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno at mga local government units (LGUs).
Matatandaan, kasalukuyang nakikita si Mawar sa labas ng Philippine area of responsibility ngunit inaasahang papasok sa ngayong araw.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Romando Artes, kabilang sa mga rescue asset na inihanda nito ay ang Urban Search and Rescue Team ng MMDA, na binubuo ng 20 rescuers na sinanay sa water search and rescue operations.
Ang bawat rescuer ay nilagyan ng mga life vests, wetsuit, bangka, at water rescue helmet kapag nagliligtas sa mga biktima ng kalamidad.
Dagdag niya, ang mga miyembro ng Metro Manila Disaster Risk Reduction Management Council ay dapat mag monitor ng mga araw-araw na pag-update ng panahon at mga sitwasyon, habang ang disaster response units ay susubaybayan ang potensyal na pagbaha sa mga lugar na madaling bahain.
Sa kabilang banda , sinabi rin ni Artes na nakipagpulong siya sa iba pang mga ahensya kasama ang mga opisyal ng local disaster risk reduction and management council para magsagawa ng pre-disaster assessment meeting.
Bukod sa paghahanda sa sakuna, hinarap ng nasabing mga ahensya ang mga potensyal na epekto ng mga kakulangan sa tubig sa Metro Manila at tiniyak na may epektibong pagtugon.