-- Advertisements --
image 182

Plano ng Metro Manila Development Authority na makipag-ugnayan sa Office of the Solicitor General para sa paghahain ng mosyon laban sa inilabas na temporary restraining order laban sa No Contact Apprehension Policy(NCAP).

Ayon kay MMDA Chair Atty Romando Artes, nais nilang ihain ang mosyon sa Korte Suprema upang ikonsidera nito ang pagbawi sa Temporary Restraining Order na unang inilabas laban sa NCAP.

Ayon kay Artes, simula suspendihin ang NCAP, tumaas na ang kaso o bilang ng mga naaksidenteng mga motor, lalo na sa huling kwarter ng 2022.

Maliban dito, dumami rin umano ang mga traffic violations. Sa katunayan aniya, nitong buwan ng Mayo lamang ay umabot sa 32,739 ang mga naitalang traffic violations.

Ang mga ito aniya ay naging sanhi ng mga aksidente at pagbagal ng mga trapiko.

Maliban dito, mahihirapan din aniya silang ipatupad ang EDSA Busway C