-- Advertisements --
May malaking tulong sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ginagawa nilang refresher course sa kanilang mga motorcycle riders sa Clark International Speedway sa Mabalacat, Pampanga.
Sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na kaya nila ipinadala sa Motorcycle Riding Academy ang kanilang mga rider para mayroong magamit sila sakaling itayo na ang MMDA Motorcycle Riding Academy.
Sa nasabing paraan ay matutulungan nila ang mga motor rider sa ligtas na paggamit ng motorsiklo.
Nangunguna kasi ang mga motorsiklo na may malaking bilang na naaaksidente sa bansa.
Kasalukuyang itinatayo na ang Riding Academy sa isang bakanteng lote na pag-aari ng Government Service Insurance System (GSIS) sa lungsod ng Pasig.










